Inilarawan lamang ng pulisya ang mga biktimang nasa pagitan ng 25-30 ang edad, may taas na 61, katamtaman ang pangangatawan, kayumanggi ang kulay, nakasuot ng gray shorts na may tatak na Club USA at itim na Paddocks t-shirt habang ang isa ay may taas na 56, nakasuot ng corduroy na shorts at gray t-shirt.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-6 ng umaga nang matagpuan ang dalawang bangkay ng biktima sa Congressional Model House, Brgy. 175, Camarin, Caloocan City kung saan nagtamo ng tig-isang tama ng bala mula sa kalibre .45 baril ang mga ito sa ulo at katawan at pawang may tattoo sa kamay ng scorpion at puso sa likod.
Ayon sa mga residente ng naturang lugar, dakong alas-11:30 ng gabi kamakalawa ay nakarinig sila ng dalawang magkasunod na putok bago ang pagkakadiskubre ng dalawang bangkay kung saan isang owner-type jeep ang nagmamadaling lumisan patungong Sampaguita Subd., Camarin.
Malaki naman ang paniniwala ng mga residente na may kinalaman sa pamamaslang sa mga biktima ang umanoy gumagalang "vigilante group" sa nasabing lugar kung saan maaaring may kaugnayan din umano sa iligal na droga ang paglikida sa mga ito.
Hanggang sa kasalukuyan ay nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya hinggil dito habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga biktima kung saan pansamantalang nakalagak ang mga bangkay ng mga ito sa PNP crime laboratory sa Camp Crame. (Ulat ni Rose Tamayo)