NCRPO nakatutok sa mga exlusive Chinese school
June 5, 2004 | 12:00am
Nakalatag na ang security measure ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) laban sa posibleng pag-atake ng mga kidnap for ransom group sa mga exclusive at Chinese school ngayong darating na pasukan sa Lunes.
Ayon kay NCRPO chief Director Ricardo de Leon, unang magdadagsaan sa Lunes ang mga elementary student habang sa Hunyo 21 naman ang mga estudyante sa high school.
Sinabi ni de Leon na pinadodoble niya ang police visibility sa mga lugar na paaralan ng mga mayayaman upang maiwasan ang insidente ng kidnapping at maging ang iba pang mga street crime.
Posibleng maging target ng mga sindikato ang mga mayayamang estudyante sa kabila ng mga security escort.
Inatasan din ni de Leon ang pagroronda ng mga pulis sa loob ng 24 oras upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended