^

Metro

2 manufacturer ng shabu sa RP, arestado sa Malaysia

-
Bumagsak sa kamay ng Malaysian Police ang dalawang miyembro ng bigtime drug syndicate na umano’y responsable sa paggawa at pagkakaroon ng shabu laboratory sa Valenzuela at Antipolo na naunang sinalakay ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kamakailan.

Sa ginanap na press conference, tinukoy ni Interior and Local Government (DILG) Secretary Joey Lina ang dalawang dayuhan na sina Lin Tsung Huan, Taiwanese at chemist at Qui Liang alyas Randy Ngo Guevarra, Fil-Chinese at sinasabing nagpatayo ng shabu laboratory na ni-raid sa Valenzuela at Antipolo.

Nadakip ang mga naturang dayuhan na pinaniniwalaang "Ah Dong Partner" sa tulong na rin ng Royal Malaysian Police sa kabila ng kawalan ng extradition treaty dahil ang mga ito ay nahaharap din sa kasong droga sa Malaysian government.

Napag-alaman na ang dalawa ay nasa most wanted list ng Dangerous Drugs Board (DDB)at may patong sa ulo na P500,000.

Inamin ni Lin na siya ang taga-luto ng shabu sa Manila mula pa noong Abril hanggang Mayo 2001 sa kanilang laboratoryo sa Lawang Bato, Valenzuela. Sa katunayan, pareho din ang paraan na kanilang ginagamit sa pagluluto ng sangkap ng shabu sa kanilang pinagtatrabahuhang laboratory sa Manila at Malaysia.

Subalit itinanggi nito na mayroon silang shabu laboratory sa Antipolo.

Hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng PDEA, PNP at NBI sa grupong kinaaniban ng mga ito na tinatawag na Qia Yong Dong o Ah Dong Group. (Ulat ni Doris Franche)

AH DONG GROUP

AH DONG PARTNER

DORIS FRANCHE

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS BOARD

LAWANG BATO

LIN TSUNG HUAN

MALAYSIAN POLICE

VALENZUELA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with