Prinisinta kahapon ng NBI ang suspect na nakilalang si Eric Alba, 26, isang waiter at residente ng #388 J.P. Rizal St., San Juan, Metro Manila.
Ayon sa umaming suspect, pinilit umano siya ni Mama Elay na makipag-anal sex sa kanya at gumamit ng shabu na kanyang tinanggihan.
Binanggit pa ng suspect na pinapunta siya ni Formaran sa bahay nito sa may Unit 4 Golondrina Cillas Condo sa New Manila sa Quezon City noong Mayo 25 at nagtalik sila. Pinilit umano siya ng biktima na i-anal sex siya na tinanggihan naman niya. Pinilit pa rin umano siya na gumamit ng shabu para hindi umano niya maramdaman ang sakit na inayawan din niya.
Nagalit umano si Formaran at dito na nagsimula ang kanilang pagpapambuno.
Inamin ni Alba na nasaksak niya ang biktima gamit ang nakuha niyang kitchen knife pero itinanggi nito na sinunog niya ang cabinet sa kuwarto ng biktima.
Nadakip si Alba sa pamamagitan ng kanyang kasintahan na si Daryl Kay Yanez na umanoy pinagbigyan ni Alba ng isang Sony Ericson T610 cellphone na kinuha niya sa nasawi.
Pinagdudahan umano ni Yanez kung saan galing ang cellphone kung kaya nagpasya siyang lumutang sa NBI para ma-trace ito at dito nga nabatid na ito ay sa nasawing si Mama Elay.
Nakipagtulungan si Yanez sa NBI para lumutang ang kanyang nobyo. Pinapunta niya ito sa kanilang bahay sa Sampaloc, Maynila at dito inimbitahan na si Alba ng NBI.
Positibong kinilala si Alba ng mga testigong sina Reynaldo Santiago, katiwala ni Formaran na siyang nakita nito na kasama ng biktima sa loob ng bahay bago madiskubre ang bangkay ng nabanggit na showbiz writer. (Ulat ni Danilo Garcia)