NPA nagbanta uli vs AKBAYAN

Kinondena ng AKBAYAN party-list ang pagbabanta ng CPP-NPA sa buhay ng isa sa mga organisador nito sa Mindanao.

Ipinakita nina Reps. Etta Rosales at Mario Aguja ang halimbawa ng mga poster na ipinaskil sa iba’t ibang bahagi ng Gen. Santos City na nagpataw ang CPP-NPA ng hatol na kamatayan kay AKBAYAN leader Ben Sumog-oy.

Bukod sa pagbabanta, pinaratangan ng mga rebeldeng komunista si Sumog-oy na nagnakaw ng boto ng mga party-list na Bayan Muna at Anak ng Bayan pabor sa AKBAYAN.

Isinangkot kamakailan ng Anak ng Bayan ang AKBAYAN at si Sumog-oy sa palpak na pakita nito sa halalang party-list. Iginiit ng Anak ng Bayan na ang mga boto nito ay napunta sa AKBAYAN na pinabulaanan naman nina Rosales at Aguja.

"Mas matagal na ang AKBAYAN bilang party-list group at marami na kaming naipakita upang muling pagkatiwalaan ng boto ng mamamayan," ani Rosales. "Sa katunayan, sa pagpili ng Anak ng Bayan ng pangalang kahawig ng sa amin ay sila pa ang nakapagnakaw ng boto sa amin."

Sa kabila nito, hindi itinanggi nina Rosales at Aguja na maaaring ibang pangkat ang may kagagawan ng mga poster na idinikit sa Gen. Santos City laban kay Sumog-oy.

Show comments