^

Metro

Malabon City Hall nasunog

-
Palaisipan sa mga awtoridad kung sadyang sinunog o aksidente lamang nasunog ang dalawang departamento sa Malabon City hall na naglalaman ng mga importanteng papeles, kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat, dakong alas-5:10 ng madaling-araw nang mag-umpisang masunog ang budget department ng Malabon City hall.

Dahil may kalumaan na ang city hall ay agad na kumalat ang apoy hanggang sa madamay ang personnel department.

Bagamat katabi lamang ng city hall ang fire department ay hindi agad naapula ang apoy dahil sa mabilis na pagkalat nito at nakontrol lamang dakong alas-6:58 ng umaga.

Base sa inisyal na pagsisiyasat faulty electrical wiring ang pinagmulan ng sunog ngunit hanggang sa kasalukuyan ay nagsasagawa pa rin ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang iba pang dahilan ng pagkasunog.

Ilang kritiko naman ng kasalukuyang namamahala sa lungsod ang nagsabing sinadya ang pagkasunog upang maitago ang mga katiwaliang naganap habang nakapuwesto ito matapos na masuspinde si Malabon City Mayor Amado "Boy" Vicencio noong Setyembre 24, 2003. (Ulat ni Rose Tamayo)

BAGAMAT

DAHIL

ILANG

MALABON CITY

MALABON CITY MAYOR AMADO

PALAISIPAN

ROSE TAMAYO

SETYEMBRE

ULAT

VICENCIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with