Sa 11 pahinang complaint affidavit, sinampahan nito ng 2 counts libel case si Roces na Jennifer Molina sa tunay na buhay.
Ang demanda ni Belo laban sa aktres ay nag-ugat matapos akusahan ng sexy star ang naturang dermatologist na ginamit siya nito.
Kasama ni Belo ang kanyang abugadong si Atty. Raymund Fortun nang magsampa ito ng demanda laban kay Osang.
Magugunitang binanggit ni Osang na si Dr. Belo ay walang kakayahang mag-opera tulad ng liposuction at isa lamang itong aerobic instructress.
Nabatid na sina Roces at Belo ay unang naging magkaibigan kung saan naging endorser pa ang una ng klinika ng huli. (Ulat ni Lordeth Bonilla)