^

Metro

Rosanna Roces kinasuhan na ni Dr. Belo

-
Sinampahan kahapon ng kasong libelo ang sexy actress na si Rosanna Roces ni Dr. Vicky Belo sa Makati City Prosecutor’s Office dahil sinira umano ng una ang reputasyon ng klinika ng huli.

Sa 11 pahinang complaint affidavit, sinampahan nito ng 2 counts libel case si Roces na Jennifer Molina sa tunay na buhay.

Ang demanda ni Belo laban sa aktres ay nag-ugat matapos akusahan ng sexy star ang naturang dermatologist na ginamit siya nito.

Kasama ni Belo ang kanyang abugadong si Atty. Raymund Fortun nang magsampa ito ng demanda laban kay Osang.

Magugunitang binanggit ni Osang na si Dr. Belo ay walang kakayahang mag-opera tulad ng liposuction at isa lamang itong aerobic instructress.

Nabatid na sina Roces at Belo ay unang naging magkaibigan kung saan naging endorser pa ang una ng klinika ng huli. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BELO

DR. BELO

DR. VICKY BELO

JENNIFER MOLINA

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY PROSECUTOR

OSANG

RAYMUND FORTUN

ROCES

ROSANNA ROCES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with