Sonny Parsons sabit sa pagpapasabog sa bahay ng brgy. chairman
June 1, 2004 | 12:00am
Matapos matalo sa pagiging alkalde ng Marikina City noong nakaraang eleksyon, nalalagay naman ngayon sa balag ng alanganin ang dating aktor na si Sonny Parsons makaraang aminin niya na sa kanya ang sasakyang ginamit ng mga suspect sa pagpapasabog sa bahay ng isang barangay chairman sa lungsod noong nakaraang Sabado ng madaling araw.
Si Parsons o Jose Nabula Jr. sa tunay na buhay ay sinampahan kahapon ng kasong accessory to attempted murder sa sala ni Linda Conus ng Marikina City Prosecutors Office makaraang makuha sa kanya at aminin na pag-aari niya ang kulay berdeng Nissan Safari na ginamit ng dalawang suspect na nagpasabog sa bahay ni San Roque Brgy. Chairman Benjamin Cruz na nasa 8 Ignacio St., Brgy. San Roque ng lungsod na ito subalit pinakawalan din ito sa ikalilinaw ng kaso.
Pinabulaanan naman ni Parsons na sangkot siya sa naganap na pagpapasabog at sinabing kabibili lamang niya ng nasabing sasakyan noong Biyernes pero hindi niya umano ito inilalabas ng bahay mula nang bilhin.
Magugunitang pinasabugan ang bahay ni Cruz dakong alas-12:30 ng madaling-araw at isang saksi ang nakakita sa naturang sasakyan na ginamit ng mga suspect. Wala namang nasawi o nasugatan sa naganap na pagpapasabog.
Narekober naman ng pulisya ang nasabing sasakyan sa harapan ng bahay ni Parsons dakong alas-4 ng hapon noon ding Sabado at inaresto si Parsons. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am