^

Metro

Mag-asawang Fil-Am dawit sa P440M fraud,arestado

-
Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang mag-asawang Fil-American na matagal nang pinaghahanap ng pamahalaang Amerika dahil sa panloloko sa may 70 katao sa Hawaii ng halagang umaabot sa P440 million.

Kinilala ni BI Associate Commissioner Arthel Caronongan ang mga nadakip na suspect na sina John Leo Cerizo at ang misis nitong si Janeth Cerizo, kapwa residente ng Davao City.

Ang mag-asawa ay naaresto noong Huwebes ng mga operatiba ng BI matapos hilingin ng US Embassy sa Manila at Federal Bureau of Investigation na siyang nagbigay ng impormasyon sa mga kasong multiple counts ng conspiracy,wire fraud at mail fraud.

Nakatakda namang i-deport patungong Hawaii ang mga suspect upang doon harapin ang kanilang mga kaso, samantalang ilalagay din sa blacklist ng BI ang dalawa upang hindi na makabalik pa dito sa Pilipinas.

Lumalabas sa rekord na naghain ng kaso ang pamahalaan ng Hawaii ng mga kasong kriminal laban sa mag-asawa dahil sa panloloko sa may 70 katao na karamihan ay matatandang Fil-Am na naninirahan sa Maui Hawaii na nakapagbigay ng may kabuuang $ 8 milyon sa mag-asawa.

Natuklasan pa na noon pang Nobyembre 26, 2002 nagtatago dito sa Pilipinas ang mag-asawa bilang balikbayan. (Ulat ni Gemma Amargo)

AMERIKA

ASSOCIATE COMMISSIONER ARTHEL CARONONGAN

BUREAU OF IMMIGRATION

DAVAO CITY

FEDERAL BUREAU OF INVESTIGATION

GEMMA AMARGO

JANETH CERIZO

JOHN LEO CERIZO

MAUI HAWAII

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with