Misis dedo sa bundol ng van

Nasawi ang isang 47 anyos na ginang matapos na masagasaan ng rumaragasang van kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Dead on the spot ang biktimang si Melissa Alcantara, residente ng 9 IBP Road Batasan Hills ng nasabi ding lungsod habang kusang-loob namang sumuko ang driver na si Roberto Fong, 27 bank employee at naninirahan sa B-2 114 Jade St. Brgy. Batasan Hills, ng naturan ding lungsod.

Batay sa imbestigasyon ng CPD-Traffic Sector 5 naganap ang insidente dakong alas-12:30 ng madaling araw sa kahabaan ng IBP Road malapit sa Batasan High School sa Batasan Hills.

Binabagtas ng suspect ang Commonwealth Ave. lulan ng Mitsubishi L-300 na may plakang UAS-999 nang biglang tumawid ang biktima at tumilapon.

Inihahanda naman ang kasong reckless imprudence resulting to homicide laban sa suspect. (Ulat ni Doris Franche)

Show comments