Pagsibak sa PNP official, inangalan
May 31, 2004 | 12:00am
Mariing binatikos ng ilang opisyal at kapulisan sa Makati City ang hindi makatarungang desisyon laban sa isang police colonel na tinanggal sa puwesto matapos na ibunyag at isumbong sa kanyang hepe ang ginawang pagre-recyle umano ng shabu ng dating hepe ng Drug Enforcement Unit nito.
Si Supt. Jose Ramon Salido ay tinanggal bilang hepe ng Criminal Investigation Unit batay na rin sa nilagdaang Station Order ni P/Supt. Victor Loares, chief ng Administration Section alinsunod na rin sa direktiba ni Souther Police District director Chief Supt. Prospero Noble kay Makati City Police chief Sr. Supt. Jovito Gutierrez.
Sinibak si Salido dahil sa ibinunyag at isinumbong nito kay Gutierrez na nagre-recycle ng shabu ang dating hepe ng DEU na si SPO4 Arsenio Mangulabnan. Itoy batay naman sa reklamo ni Rosalie Geronimo isang dating "tulak" ni Mangulabnan at ngayoy nakakulong sa Makati City Jail.
Ayon sa ilang police official, hindi makatarungan ang desisyon ni Noble sa pagtatanggal kay Salido at posibleng mapawalang sala pa si Mangulabnan sa kabila ng pagkakasangkot nito sa droga. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest