Illegal recruiter: Singaporean tiklo, asawa tinutugis
May 31, 2004 | 12:00am
Arestado ang isang illegal recruiter na Singaporean habang pinaghahanap naman ang asawa nitong Filipina matapos na ireklamo ng anim na katao na taga Navotas na hinihingan nito ng pera kapalit ng pagtatrabaho sa labas ng bansa.
Kasalukuyang nakakulong ang suspect na nakilalang si Johari Bin Yahyah, ng 31-S Robin St. Don Mariano Subdivision,Cainta Rizal habang pinaghahanap naman ang asawa nitong si Vilma.
Base sa pahayag ng mga biktimang sina Angelito Valdez, 42; Ricardo Pasion, Jr., 21; Ramil Archin,28; Rodrigo Alfaro, 31; Raymond Lamsen, 20 at Carlito Baruc, 31 pawang mga residente ng Navotas nakilala nila ang suspect sa pamamagitan ng kanilang kaibigang si Ismael Aviso.
Pansamantalang tumira si Yahyah sa bahay ni Aviso habang naghahanap ng mga taong gustong magtrabaho sa Malaysia kapalit ng P25,000 bilang placement fee.
Ipinakilala naman ni Aviso ang mga biktima kay Yahyah kung saan nagkasundo ang mga ito na magbibigay ng nasabing halaga upang mapadali ang kanilang pag-alis.
Matapos ang ilang araw ay muling nakipagkita ang mga biktima kay Yahyah sa Phetron Restaurant sa NBBN, Navotas at ibinigay ang kanilang paunang bayad na tig -P15,000.
Makalipas ang ilang linggo ay muling nakipagkita ang anim na biktima kina Yahyah at asawa nitong si Vilma upang kunin ang kanilang passport at visa sa Malaysian Embassy at ibigay ang balanseng tig-P10,000.
Sinabihan ng mag-asawang suspect ang mga biktima na hintayin ang kanilang tawag kung kailan aalis patungong Malaysia. Subalit ilang linggo na ang nakalipas ay hindi pa rin tumatawag ang mag-asawa.
Ipinasya ng mga biktima na beripikahin ang visa na binigay ng mag-asawa hanggang sa madiskubre nila na peke ang mga dokumento.
Nagpasama ang mga biktima kay Aviso at sa mga awtoridad at agad namang nahuli si Yahyah sa Cainta habang mabilis namang nakatakas si Vilma. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended