Tsinoy trader tumalon mula sa 11th floor patay
May 31, 2004 | 12:00am
Nagpakamatay ang isang 36-anyos na negosyanteng Filipino-Chinese makaraang tumalon mula sa ika-11 palapag ng kanyang tinutuluyang condominium unit kamakalawa ng umaga sa San Juan, Metro Manila.
Sabog ang ulo at lasug-lasog ang katawan ng biktimang si Chito Reyes Tiouico, ng 11-A Borderline Plaza Condominium Eisenhower St. Greenhills, San Juan matapos na bumagsak sa semento.
Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Leo Iringan ng San Juan Police, dakong alas 8:30 ng umaga nang maganap ang insidente.
Inutusan ng biktima ang kanyang katulong na nakilala lamang sa pangalang Carmelita na hanapin ang kanyang 14-anyos na anak na nooy naglalaro sa labas ng condominium. Nagulat na lamang ang katulong ng sa kanilang pagbalik ay nakalock na ang unit ng kanyang amo.
Dahil dito, nakiusap ang katulong sa katabing unit na tawagin ang biktima sa terrace subalit laking gulat nang makita itong nakahandusay na sa ground floor ng condominium ang kanyang amo.
Napag-alaman na madalas na inaatake sa puso ang biktima kung kayat itoy nakaratay.
Posibleng dinamdam ng biktima ang kanyang sakit kung kayat minabuti na lamang nitong wakasan ang kanyang buhay. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 18, 2025 - 12:00am