Goldilocks Bake Shop pinasok ng 'Harurot Gang'
May 30, 2004 | 12:00am
Tinatayang aabot sa humigit-kumulang sa P120,000 cash at mga kagamitan ng isang kilalang bagong bukas na bake shop ang natanggay ng mga miyembro ng Harurot Gang na nanloob dito, kahapon ng tanghali sa Ermita, Maynila.
Maging ang mga kostumer dito ay hindi pinatawad at kinunan din ng kanilang mga pera at mga kagamitan.
Ang nilooban ay ang bagong bukas na branch ng Goldilocks Bake Shop na matatagpuan sa kahabaan ng Taft Avenue corner Nakpil St., Ermita, Maynila.
Inilarawan naman ang mga suspect na may taas na 58 hanggang 59 talampakan, kayumanggi ang kulay at nakasakay ng motorsiklo.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang panloloob dakong alas-11 ng tanghali, halos isang oras pa lamang na nagbubukas ang nasabing establisimento.
Nabatid na bago naganap ang insidente ay kumain ang security guard na si Rodrigo Punctual kaya pinakiusapan niya ang guwardiya sa katabing building na si Alden Terana na siya muna ang tumao sa pintuan ng nasabing bakeshop.
Ilang minuto lamang ang nakalipas nang pumasok ang tatlong suspect na nagkunwaring mga kostumer habang ang isa pa ang nagsilbing look-out.
Ayon kay Lina Sebastian, duty supervisor agad siyang tinutukan ng baril ng isa sa mga suspect at puwersahang nagpasama sa kinaroroonan ng vault.
Dahil sa takot walang nagawa si Sebastian kundi ituro ang kinalalagyan ng vault at doon nilimas ang pera na kita ng bake shop sa mga nakalipas na araw.
Tinutukan din ng mga suspect maging ang mga kostumer sa bake shop na kinunan nila ng pera at mga kagamitan.
Matapos ang panloloob ay mabilis na tumakas ang mga suspect lulan ng motorsiklo. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 23, 2024 - 12:00am