Presyo ng LPG tumaas na naman ng P1 bawat kilo
May 30, 2004 | 12:00am
Tumaas na naman ng P1 bawat kilo o P11 kada tangke ang Liquefied Petroleum Gas (LPG) na ibinebenta ng Pilipinas Shell na nagsimula kahapon ng umaga.
Ayon kay Roberto Kanapi, general manager for external affairs ng Shell, ang ipinatupad nilang pagtaas ay bahagi ng kanilang cost recovery matapos ang patuloy na pag-angat ng presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan.
Umakyat umano ng $26 ang bawat metriko tonelada ng LPG sa pandaigdigang pamilihan. Wala pa ring kasiguruhan kung bababa pa ang presyo nito sa darating na mga buwan.
Matatandaang dalawang linggo na ang nakalipas ay nagpatupad din ng P1 kada kilong pagtaas ng kanilang produktong LPG ang mga kompanya ng langis.
Sa ginawang pagtaas ng Shell ng kanilang produktong LPG inaasahan namang magsusunuran ang iba pang kompanya ng langis gaya ng Petron, Caltex at Total na kabilang sa mga pangunahing supplier ng LPG sa bansa. (Ulat ni Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended