^

Metro

Arraignment ni 'Tsong' inilibang muli

-
Hindi na naman natuloy kahapon ang pagbasa ng sakdal kay dating Parañaque Mayor Joey Marquez matapos pagbigyan ng Sandiganbayan Fourth Division ang kahilingan nitong ipagpaliban ang arraignment kaya gagawin na lamang ito sa Hulyo 28.

Ang kaso ay may kinalaman sa diumano’y kuwestiyonableng pagbili ng P3.26 milyong bala ng mga baril para sa mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa Parañaque.

Sa isinumiteng motion to quash ng mga abogado ni Marquez, sinabi ng mga itong peke ang pirma ni Marquez sa mga dokumentong may kinalaman sa transaksyon.

Dapat anilang maimbestigahan muna ng mga handwriting experts ang pirma sa mga papeles na ginawang basehan sa pagsasampa ng kaso.

Naunang itinakda ang arraignment kay Marquez noong Mayo 3 pero ipinagpaliban lamang dahil sa posibilidad na magamit ito ng mga kalaban niya sa pulitika noong panahon ng eleksyon at muli na namang ipinagpaliban kahapon.

Base sa natuklasan ng Office of the Ombudsman, pinatungan umano ng halos 40% ni Marquez ang transaksyon sa mga bala para sa miyembro ng PNP. Umabot umano sa P1.32 milyon ang nangyaring over-pricing.

Isa pang kaso ang kinakaharap ni Marquez sa Sandiganbayan Second Division na may kinalaman naman sa transaksyon ng over-priced na walis tingting. Itinakda ang arraignment sa nasabing kaso sa Hunyo 10 at 11. (Ulat ni Malou Rongalerios)

DAPAT

HULYO

MALOU RONGALERIOS

MARQUEZ

MAYOR JOEY MARQUEZ

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SANDIGANBAYAN FOURTH DIVISION

SANDIGANBAYAN SECOND DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with