Dancer na professional callboy ang killer ni 'Mama Elay'
May 29, 2004 | 12:00am
Isang dancer na professional call boy at tambay sa Greenhills sa San Juan ang sinasabing suspect sa pagpaslang sa showbiz writer na si Ellie Formaran na lalong kilala sa tawag na Mama Elay.
Ayon sa source ng pulisya, hawak na nila ang litrato nito na tipong isang modelo.
Nabatid sa isinagawang inisyal na imbestigasyon na isa ring bading ang nagpakilala sa suspect na binansagang alyas Pogi kay Mama Elay na ito ang nagsilbing bugaw sa dalawa.
Sa isang hindi binanggit na studio unang nagkita ang dalawa.
Para hindi makaapekto sa imbestigasyon, pansamantalang hindi muna inilabas ang tunay na pangalan ng suspect bagamat alam na rin ito ng pulisya.
Kaugnay nito, kinondena naman ng Lesbian and Gay Legislative Advocacy Network (LAGABLAB) ang sunud-sunod na pagpaslang sa mga bading.
Ayon sa grupo, marapat umanong mag-ingat ang mga gay upang maiwasan nang maulit ang ganitong uri ng insidente.
Dahil dito, pinayuhan ng grupo ang mga homosexual na maging alerto at huwag agad magtiwala sa kung kanino. Iwasan na rin na mag-uwi sa kanilang mga bahay ng mga lalaki na hindi naman talaga nila kilala. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended