Sa 18-pahinang desisyon ni Judge Myrna Dimaranan-Vidal, ng Caloocan City RTC Branch 127 ang mga akusadong sina Ross de Guia at Rosario dela Cruz ay napatunayang nagkasala sa paglabag sa R.A. 9165 kung saan pinagbabayad din ang mga ito ng P300,000 bawat isa bilang kabayaran sa kasalanang ginawa.
Ang akusadong si dela Cruz ay pinaghahanap pa ngayon ng mga awtoridad matapos na mag-jump bail matapos maaresto habang ang kanyang kasintahan lamang ang binasahan ng hatol.
Sa rekord ng korte, ang mag-syota ay naaresto noong Enero 27 ng nakalipas na taon sa kahabaan ng Francisco St., sa Caloocan City dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga. Nasamsam sa mga ito ang dalawang plastic sachet ng shabu.
Mariing pinabulaanan ni de Guia ang kaso subalit mas pinaboran ni Judge Vidal ang salaysay ng mga nakaarestong pulis. (Ulat ni Rose Tamayo)