Kinilala ni NCRPO chief Director Ricardo de Leon ang dinakip na mga pulis na sina PO2 Anthony Alising, 31; at PO2 Gersel Diaros, 36, kapwa nakatalaga sa Police Community Precinct 1 ng Parañaque City.
Ang dalawa ay nadakip dakong alas-9 kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng Quirino Avenue sa panulukan ng Redemptorist St. sa Parañaque City makaraang ituro ng barker na nakilalang si Rolando Gallano na umanoy tong collector sa mga pampasaherong jeep at FX na pumapasada sa Baclaran. Nasamsam sa mga ito ang P200 marked money.
Samantala, anim na miyembro naman ng MMDA ang nadakip din ng NCRPO dahil sa pangongotong sa Pasay City at Parañaque kamakalawa rin ng gabi.
Ang mga suspect ay nakilalang sina Renato Grimaldo, Feliciano Mallari, Ronald Martin, Joel Punzalan, Manadro Oplindo at Rolando Rivera.
Sa kasalukuyan ay umaabot na sa 38 pulis, 19 na MMDA enforcers at 23 local traffic enforcers ang nadadakip na ng NCRPO ngayong taong ito dahil sa pangongotong.(Ulat ni Edwin Balasa)