^

Metro

2 pulis, 6 miyembro ng MMDA timbog sa kotong

-
Dalawang pulis at anim na miyembro ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang dinakip ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pinaigting na kampanya laban sa kotong sa magkakahiwalay na operasyon kahapon.

Kinilala ni NCRPO chief Director Ricardo de Leon ang dinakip na mga pulis na sina PO2 Anthony Alising, 31; at PO2 Gersel Diaros, 36, kapwa nakatalaga sa Police Community Precinct 1 ng Parañaque City.

Ang dalawa ay nadakip dakong alas-9 kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng Quirino Avenue sa panulukan ng Redemptorist St. sa Parañaque City makaraang ituro ng barker na nakilalang si Rolando Gallano na umano’y ‘tong collector’ sa mga pampasaherong jeep at FX na pumapasada sa Baclaran. Nasamsam sa mga ito ang P200 marked money.

Samantala, anim na miyembro naman ng MMDA ang nadakip din ng NCRPO dahil sa pangongotong sa Pasay City at Parañaque kamakalawa rin ng gabi.

Ang mga suspect ay nakilalang sina Renato Grimaldo, Feliciano Mallari, Ronald Martin, Joel Punzalan, Manadro Oplindo at Rolando Rivera.

Sa kasalukuyan ay umaabot na sa 38 pulis, 19 na MMDA enforcers at 23 local traffic enforcers ang nadadakip na ng NCRPO ngayong taong ito dahil sa pangongotong.(Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

ANTHONY ALISING

DIRECTOR RICARDO

EDWIN BALASA

FELICIANO MALLARI

GERSEL DIAROS

JOEL PUNZALAN

MANADRO OPLINDO

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

PASAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with