Nakatakdang basahan ng sakdal ngayong araw na ito si Marquez sa Sandiganbayan Fourth Division.
Dapat ay noong Mayo 3 pa isinagawa ang arraignment pero natagalan lamang dahil sa kahilingan ng kanyang mga abogado.
Base sa reklamong isinampa ng Office of the Ombudsman, nalugi ang gobyerno sa transaksyong pinasok ni Marquez dahil dinagdagan umano ito ng P1.32 milyon o 40 porsiyento.
Sa iba namang kasong kinakasangkutan din ni Marquez, hiniling nina Attys. Prospero Crescini at Noel Malay, mga abogado nito sa Office of the Ombudsman, na atasan ang NBI na tingnan ng mga handwriting experts ang 12 vouchers na pirmado ni Marquez na ginamit sa kontrata pagbili naman ng P2.45 milyong halaga ng walis tingting.
Base sa pagsisiyasat ng Ombudsman, mayroon din umanong anomalya sa nasabing kontrata kung saan nalugi rin ang gobyerno.
Nais ng mga abogado ni Marquez na ipagpaliban ang arraignment at pre-trial sa kaso ng walis tingting na nakatakda sa Hunyo 10 at 11 hanggat hindi nakakapagsagawa ng pagsusuri ang NBI. (Ulat ni Malou Rongalerios)