^

Metro

Joey Marquez babasahan na ng sakdal

-
Matapos matalo bilang mayor ng Parañaque, kailangan namang harapin ni Joey Marquez ang kanyang dalawang kasong katiwalian sa Sandiganbayan na may kaugnayan sa diumano’y kuwestiyunableng P3.26 milyong transaksyon sa pagbili ng bala.

Nakatakdang basahan ng sakdal ngayong araw na ito si Marquez sa Sandiganbayan Fourth Division.

Dapat ay noong Mayo 3 pa isinagawa ang arraignment pero natagalan lamang dahil sa kahilingan ng kanyang mga abogado.

Base sa reklamong isinampa ng Office of the Ombudsman, nalugi ang gobyerno sa transaksyong pinasok ni Marquez dahil dinagdagan umano ito ng P1.32 milyon o 40 porsiyento.

Sa iba namang kasong kinakasangkutan din ni Marquez, hiniling nina Attys. Prospero Crescini at Noel Malay, mga abogado nito sa Office of the Ombudsman, na atasan ang NBI na tingnan ng mga handwriting experts ang 12 vouchers na pirmado ni Marquez na ginamit sa kontrata pagbili naman ng P2.45 milyong halaga ng walis tingting.

Base sa pagsisiyasat ng Ombudsman, mayroon din umanong anomalya sa nasabing kontrata kung saan nalugi rin ang gobyerno.

Nais ng mga abogado ni Marquez na ipagpaliban ang arraignment at pre-trial sa kaso ng walis tingting na nakatakda sa Hunyo 10 at 11 hangga’t hindi nakakapagsagawa ng pagsusuri ang NBI. (Ulat ni Malou Rongalerios)

vuukle comment

ATTYS

DAPAT

HUNYO

JOEY MARQUEZ

MALOU RONGALERIOS

MARQUEZ

NOEL MALAY

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

PROSPERO CRESCINI

SANDIGANBAYAN FOURTH DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with