Sanggol pinagpapaso ng yosi sa ari ng tiyo at kalaguyo
May 25, 2004 | 12:00am
Ibayong kalupitan ang tinamo ng isang taong gulang na batang lalaki na pinagpapaso ng sigarilyo sa ari at sa ibang bahagi ng katawan ng tiyo at ka-live-in nito sa Sta. Cruz, Maynila.
Pinaghahanap ng mga awtoridad at nahaharap sa kasong child abuse ang mga suspect na nakilalang sina Richard Moga at Teresa Bansigan.
Sa reklamo sa WPD Station 3 ni Janice Moga, ina ng sanggol na nadiskubre niya kahapon ang pagpapahirap na ginagawa sa kanyang anak nang kanyang kuhain ito sa pangangalaga ng kanyang asawa na si Marlon na nakakulong sa Manila City jail.
Nabatid na namamasukan bilang katulong si Janice upang mabuhay ang anak at madalhan ng pagkain ang asawa sa kulungan. Inihahabilin naman nito ang anak sa kanyang asawa sa loob ng kulungan at iniiwanan sa loob ng isang linggo.
Lingid naman sa kaalaman ni Janice, ipinapasa ng kanyang asawa ang bata sa kapatid na si Richard at sa kinakasama nitong si Bansigan.
Sa medical report ng sanggol, lumalabas na may 25 sariwang paso sa ari at katawan ang bata, habang may mga hilom na rin na paso na posibleng ginagawa sa araw-araw sa bata.
Malaki ang paniwala ng pulisya na gumagamit ng droga ang dalawang suspect at ang pinagtitripan ay ang sanggol. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended