Nakapiit ngayon sa Pasay City Police ang suspect na si Arturo Caspe, 61 ng Pasillo-1 Leonardo St. ng nabanggit na lungsod.
Nagharap naman ng reklamo ang kanyang misis na si Consuelo Caspe, 62.
Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na naganap ang insidente dakong alas-9:30 ng gabi sa loob ng bahay ng mag-asawang Caspe.
Nabatid na lingguhan kung umuwi ng kanilang bahay si lola Consuelo dahil nag-aalaga ito ng kanyang apo sa Sampaloc, Maynila.
Pag-uwi nito, kamakalawa ay nagulantang ito sa kanyang naabutan dahil nahuli niya sa akto na may kasiping na ibang babae at batam-bata ang kanyang mister sa loob ng kanilang bahay.
Sa tindi ng galit ay mabilis na tumawag ng tanod si lola Consuelo at ipinaaresto ang nagtaksil niyang mister na nakatakda niyang kasuhan ng concubinage. (Ulat ni Lordeth Bonilla)