^

Metro

'Bonnet gang' umatake uli sa bangko sa QC

-
Umaabot sa P2.5 milyon ang natangay ng 15 kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng "Bonnet Gang" at armado ng matataas na kalibre ng baril matapos na looban ang isang bangko sa West Avenue, Quezon City, kahapon ng umaga sa nasabing lungsod.

Isang bank teller ang iniulat na nasugatan sa naganap na holdap.

Tumagal lamang ng limang minuto ang ginawang panghoholdap sa Bank of Commerce na rito nasugatan ang bank teller na si Rhodora de Joya. Tinamaan ito ng stray bullet nang magpaputok ang mga suspect sa loob ng bangko.

Ayon kay Supt. Popoy Lipana, hepe ng CPD-CIU naganap ang panghoholdap sa bangko dakong alas-10:30 ng umaga sa West Avenue malapit sa Zamboanga St. at Delta sa nasabing lungsod.

Lumilitaw na apat sa mga suspect ang naunang bumaba sa L-300 van at Toyota Corolla at mabilis na dinisarmahan ang security guard sa bangko at pagdaka’y idineklara na ang holdap. Mabilis naman kinulimbat ng ilan pa nilang kasamahan ang pera sa loob ng bangko, habang ang iba naman ay nagsilbing look-out sa labas.

Dalawang duffle bag na may lamang pera ang natangay ng mga suspect at habang papatakas ay nagpaputok ang mga ito ng baril para magkagulo at mabulabog ang mga bystander nang hindi na makahabol pa ang mga awtoridad.

Nabatid na pawang nakasuot ng kulay asul at itim na bonnet ang mga suspect.

Kasalukuyang nagsasagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad para sa agarang pagkakadakip sa mga suspect na sinasabing nakatangay ng may P2.5 milyon cash. (Ulat ni Doris Franche)

AYON

BANK OF COMMERCE

BONNET GANG

DORIS FRANCHE

POPOY LIPANA

QUEZON CITY

TOYOTA COROLLA

WEST AVENUE

ZAMBOANGA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with