Killer-rapist ng bank teller,susuko
May 19, 2004 | 12:00am
Nakatakdang isuko anumang araw ngayon ng intelligence officer ng Bureau of Immigration and Deportation (BID) ang kanyang anak na pangunahing suspect sa brutal na pagpatay at panggagahasa sa isang 23-anyos na bank teller, kamakailan sa Malate, Maynila.
Kinumpirma ni WPD director, Chief Supt. Pedro Bulaong na nakausap niya sa cellphone si Bienvenido Reyes ng BID at nangakong isusuko ang anak na si Babes Reyes dahil sa naniniwala siyang wala itong kasalanan sa krimeng ibinibintang.
Matatandaan na itinuro ng isa pang nadakip na suspect na si Philipine Marcelo, 21, si Reyes na siyang nanggahasa at pumatay kay Candise Castro, sa loob ng condo unit nito sa Vellagio Tower sa Pres. Quirino Ave., Malate, nitong nakaraang Mayo 12.
Sa kabila naman nito, patuloy ang isinasagawang manhunt ng WPD kung saan tumulong na rin ang National Bureau of Investigation (NBI) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) upang madakip si Reyes.
Nagpalabas naman ang BID ng hold departure order laban kina Marcelo at Reyes upang hindi makalabas ang mga ito sa bansa matapos na hilingin ni Rogelio Castro, ama ng biktimang si Candise. Nababahala si Castro na payagang makalabas ng bansa ng ilang opisyal ng BID si Reyes dahil sa impluwensya sa ahensya ng ama nito na si Bienvenido.
Iniharap naman kahapon kay Manila Mayor Lito Atienza si Marcelo kung saan inulit nito ang pahayag na ang tanging partisipasyon lamang umano niya sa krimen ay samahan si Reyes sa kuwarto ni Castro at magbukas ng pinto.
Patuloy namang hindi naniniwala ang pulisya dahil sa malaking kalmot sa mukha ni Marcelo na maaaring dulot ng pagpalag ni Castro. Hinihintay pa ang resulta ng isinasagawang DNA test sa mga semilyang nakuha sa bangkay ni Castro at ikukumpara sa semilya ni Marcelo upang mapatunayan kung ginahasa rin nito ang biktima. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am