^

Metro

Mayor SB,Bistek prinoklama na sa QC

-
Pormal nang prinoklama ng Commission on Elections (Comelec) si Quezon City Mayor Feliciano Belmonte Jr. at Vice Mayor Herbert Bautista bilang nanalong kandidato sa nakaraang halalan.

Ginanap ang proklamasyon sa Albert Session Hall ng QC Board of Canvasser sa pangunguna ni Atty. Ma. Aleta Alarkon.

Ayon kay Belmonte, sa muli niyang pagkakahalal, titiyakin niyang doble ang ibibigay niyang pagbabago sa lungsod, partikular na sa mga residente rito upang makamit ang kanilang minimithing "QC: A Quality Community".

Nagpapasalamat din si Belmonte sa mga residente na nagbigay ng kanilang suporta upang muling pamunuan ang lungsod kasabay ng pahayag na hindi niya bibiguin ang mga ito. Nabatid na ang muling pagkakapanalo ni Belmonte ay bunsod na rin sa track record nito bilang alkalde ng lungsod matapos nitong ipakita ang iba’t ibang livelihood projects, pagtataas ng sistema ng edukasyon, pagsasaalang-alang sa kalusugan ng bawat mamamayan sa Quezon City at ang development ng mga daan sa lungsod.

Samantala, sinabi naman ni Bautista na handa naman siyang tulungan si Belmonte upang muling mapiling no. 1 na lungsod ang Quezon City. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

A QUALITY COMMUNITY

ALBERT SESSION HALL

ALETA ALARKON

AYON

BELMONTE

BOARD OF CANVASSER

DORIS FRANCHE

QUEZON CITY

QUEZON CITY MAYOR FELICIANO BELMONTE JR.

VICE MAYOR HERBERT BAUTISTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with