Driver-bodyguard ng pamilya Zobel,niratrat patay
May 19, 2004 | 12:00am
Isang sarhento ng Phil. Marines at isa sa mga driver-bodyguard ng pamilya Zobel ang nasawi matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspect, kamakalawa ng gabi sa Makati City sa burol mismo ng yumaong si Don Enrique Zobel.
Namatay habang ginagamot sa Makati Medical Center ang biktimang si Sgt. Romel Cejas, isa sa bodyguard ni Iñigo Zobel, sanhi ng mga tama ng bala na tinamo sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Samantala, kaagad namang tumakas ang hindi pa nakikilalang mga suspect matapos ang isinagawang pamamaril lulan ng isang van na walang plaka.
Base sa inisyal na imbestigasyon ni PO2 Jeson Vigilla, ng Homicide Section ng Makati City Police, naganap ang insidente dakong alas-9:30 ng gabi sa parking lot sa harapan ng Sanctuario de San Antonio Chapel na matatagpuan sa McKinley Road, Forbes Park, Makati City.
Sa nasabing lugar nakaburol ang yumaong si Don Enrique Zobel.
Nakaparada sa harap ng simbahan ang isang kulay silver na Porsche na may plakang XNU-169 at doon nakasakay ang biktima.
Nabatid na habang naglo-load sa kanyang cellphone ang biktima ay bigla itong nilapitan ng mga suspect at walang sabi-sabi itong pinaulanan ng putok ng baril na naging dahilan ng kanyang kamatayan.
Hindi pa mabatid ng pulisya kung ano ang maaaring motibo sa pagpaslang sa biktima habang isang masusing imbestigasyon pa rin ang isinasagawa ukol dito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended