^

Metro

Access pass ng mga Senador,Kongresista sa airport kakanselahin

-
Kakanselahin ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang ibinibigay na ‘annual ID pass’ para sa mga Senador, Kongresista at ilan pang opisyal sa ibang ahensiya ng pamahalaan.

Ito umano ay para maiwasan ang napapaulat na pang-aabuso ng mga nabanggit sa naturang pases na ipinagkakaloob sa kanila.

Sa halip, magiging ‘case-to-case-basis’ na lamang ang pag-iisyu ng access pass.

Nabatid na ang access pass sa mga mambabatas ay naaabuso ng mga tauhan ng mga mambabatas at ginagamit lamang umano sa personal na transakyon sa halip na gamitin ito sa official functions.

"Maraming nasisita ang security personnel namin na kung sinu-sino lamang ang gumagamit ng access pass nila tulad ng pagsusundo at paghahatid ng mga pasaherong walang kinalaman at hindi konektado sa tanggapan ng gobyerno na inisyuhan namin", pahayag ni Ed Manda, Gen. Manager sa MIAA.

Magugunita na hindi mabilang na security access pass ang ipinalabas ng MIAA sa halos lahat ng tanggapan ng pamahalaan, kabilang na ang Mataas at Mababang Kapulungan, gayun din ang mga diplomatic corps.(Ulat ni Butch M. Quejada)

BUTCH M

ED MANDA

KAKANSELAHIN

KONGRESISTA

MABABANG KAPULUNGAN

MAGUGUNITA

MANILA INTERNATIONAL AIRPORT AUTHORITY

MARAMING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with