Anak ng BID official sabit sa rape-slay ng bank employee
May 15, 2004 | 12:00am
Pinaghahanap ngayon ng mga tauhan ng Western Police District (WPD) ang pangunahing suspect sa pagpatay at panggagahasa sa isang empleyada ng Metrobank matapos na ituro ng kanyang kasabwat na unang nadakip ng pulisya sa Malate, Maynila.
Itinuro ng nadakip na si Phillipe Marcelo, 21, Hotel and Restaurant Management student sa Phil. Womens University (PWU) ang pangunahing suspect na si Babes Reyes, na residente rin sa Vellagio Tower sa Pres. Quirino Avenue, Malate.
Nabatid na si Reyes ay anak ni Bureau of Immigration and Deportation (BID) intelligence chief Benjamin Reyes.
Ayon kay Senior Inspector Dominador Arevalo, hepe ng WPD Homicide Division, nadakip si Marcelo matapos na ituro ng security guard ng Vellagio Tower na isa sa mga sangkot sa brutal na pagpaslang kay Candise Castro, 23, empleyada ng Metrobank-Quirino Avenue Branch na natagpuang hubot-hubad at may nakapasak pang handle ng mop sa ari sa loob ng tinutuluyan nitong kuwarto sa Room 1103 ng nabanggit na condominium kamakailan.
Sa interogasyon ng pulisya, inamin ni Marcelo na kasama nga siya nang maganap ang krimen ngunit hindi siya ang gumahasa at pumatay kay Castro kundi si Reyes.
Sinabi ni Marcelo na nag-iinuman umano sila ni Reyes sa loob ng kanyang condo unit sa Room 604 sa naturang gusali nang tanungin siya ni Reyes kung kilala niya si Castro.
Nagpasama pa umano ito sa kanya sa kuwarto ni Castro upang makipagkilala.
Pagkabukas pa lamang ng biktima ng pinto ay agad na itong isinalya ni Reyes at saka hinubaran. Nasaksihan din niya ang ginawang panggagahasa at pagpaslang ni Reyes sa biktima.
Patuloy na pinaghahanap ng pulisya si Reyes, habang inihahanda na ang kaso sa kanila ni Marcelo. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest