Bilangan sa Caloocan natigil dahil sa bomb threat
May 13, 2004 | 12:00am
Nagkaroon ng tensyon sa isinasagawang bilangan ng Comelec sa Caloocan City matapos na makatanggap ng bomb threats na nagpatigil sa pagbilang ng balota sa nasabing lungsod, kamakalawa ng hapon.
Ayon kay Inspector Redulfin Coloma, hepe ng city hall detachment, dakong alas-4:30 ng hapon ng makatanggap ng sulat na iniabot ng isang batang lalaki sa mga guwardiya sa ground floor ng Caloocan City hall.
Nakasaad sa sulat na "itigil muna ninyo ang bilangan dahil hindi pa tapos ang nasa ibaba, kung hindi pasasabugin namin kayo".
Agad namang ipinadala ang mga tauhan ng SWAT para inspeksiyunin ang paligid kung kaya ilang minuto ring nahinto ang isinasagawang bilangan. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended