Sa latest canvassing ng balota na pinangasiwaan ng local Comelec na ginaganap sa session hall sa lungsod, nakakuha si "SB" ng botong umaabot sa 131,367 kumpara sa nakalaban nitong si Mathay na nakakula lamang ng 19,164 boto (as of 5:30 PM) kahapon.
Sa pagka-bise-alkalde, rumatsada din si incumbent Vice-Mayor Herbert Bautista sa botong 142,788 kumpara sa katunggali nitong si Dingdong Avanzado na nakakuha ng botong 20,407.
Magugunitang una nang sinabi ni Belmonte na mas magaan nitong mailalampaso si Mathay kumpara sa aktor na si Rudy Fernandez na kanyang nakalaban noong 2001.
Sa Muntinlupa, sinasabing nangunguna si Jaime Fresnedi na nagtamo ng botong 24,138 laban sa kanyang katunggaling si Elizabeth Masangkay na 17, 134 (as of 3:00 PM).
Sa Pasay City nangunguna rin si Peewee Trinidad na may 25,094 boto, laban kay Ding Santos na nagtamo ng botong 21,769 (as of 3 PM), habang sa pagka-bise alkalde nagtamo si Greg Alcera ng 24,874 boto laban kay Antonino Calixto, 23,507 boto (as of 3 PM).
Sa Makati City, rumatsada din si Jejomar Binay na nagtamo ng botong 23,467 laban sa katunggali nitong si Oscar Ibay na 5,267 (as of 4:35 PM).
Dikit naman ang laban ni Vicente Eusebio na may nakuhang botong 6,749 habang ang katunggali nitong si Henry Lanot ay nakakuha ng botong 6,746 (as of 11:30 AM).
Sa San Juan, ratsada din si JV Ejercito na nakakuha ng botong 41,258 laban sa katunggaling sina Enrico San Juan, 8,631 at Edgardo Marasigan na 755 (as of 4:00 PM). (Ulat nina Angie dela Cruz, Lordeth Bonilla at Edwin Balasa)