Electronic quick count ng Comelec didesisyunan na
May 11, 2004 | 12:00am
Anumang oras ngayong linggo ay ipapalabas ng Supreme Court (SC) ang desisyon kung sasailalim sa electronic quick count ang bilangan ng Commission on Elections (Comelec).
Ayon kay Supreme Court Chief Justice Hilario Davide Jr., ibinigay na nila sa ponente ang kaso para isulat ang kanyang opinyon hinggil dito.
Subalit tumanggi naman ang mahistrado kung sino ang ponente at inaasahang ipapaikot sa iba pang mahistrado ang kopya ng desisyon para sa kanilang concurring at descending opinion.
Nilinaw ni Davide na ipinadala na niya ang kanyang boto tungkol sa nauna nang kaso noon pang araw ng Sabado.
Ito ay sa kabila ng hindi pagdalo ni Davide sa oral argument ng SC noong Sabado kung saan si Associate Justice Reynato Puno ang umupo bilang acting Chief Justice.
Sa ipapalabas na desisyon ng SC, malalaman kung idadaan sa electronic quick count ang bilangan ng Comelec.
Matatandaan na umakyat sa SC ang election lawyer na si Atty. Sixto Brilliantes dahil sa pagiging labag sa batas ng resolusyon ng Comelec tungkol sa electronic quick count.
Sinabi ni Brilliantes na hindi pwedeng magpalabas ng unofficial quick count ang komisyon dahil isa silang pampublikong tanggapan. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest