Nanilip ng boto ginulpi ng watchers
May 11, 2004 | 12:00am
Bugbog-sarado ang inabot ng isang kagawad ng barangay matapos na pagtulungang gulpihin ng mga watcher at supporter ng isang kandidato sa pagka-congressman dahil sa paninilip umano nito sa mga balota sa isang presinto, kahapon ng umaga sa Sampaloc, Manila.
Nagtamo ng mahabang tahi sa bunganga at mga pasa sa mukha ang biktimang si Kagawad Manuel Palaganas, 45, ng Brgy. 463, Sampaloc.
Dinakip naman ang dalawang suspect na gumulpi na sina Rodolfo Goyena, driver; at si Ernesto Romasanta, 19, tricycle driver at kapwa residente ng naturang barangay.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-9 ng umaga sa loob ng Precinct 2201B sa Rm. 304 3rd floor ng Juan Luna Elem. School sa Sampaloc.
Sa salaysay ni Palaganas, bumuboto siya nang biglang dumating ang grupo ni Goyena at agad na siyang sinuntok sa mukha. Nagawa namang makapanlaban ni Palaganas ngunit nadaig ito dahil sa tumulong umano si Romasanta.
Ayon naman sa kampo ni Goyena, nahuli umano nila na sinisilip ni Palaganas ang mga balota ng mga botante upang makasiguro na ibinoboto ng mga ito ang kanilang kandidato. Sinita lamang umano nila ito ngunit gumawa na ito ng eskandalo hanggang sa magkasuntukan silang dalawa. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended