Ayon kay NCRPO chief Director Ricardo de Leon, ang nasabing bilang ay mula sa lungsod ng Caloocan, Quezon, Maynila, Pasig at Makati.
Sinabi ni de Leon na kailangan na ipatupad ng maayos at mahigpit ang liquor ban upang maiwasan ang anumang gulo at dayaan sa halalan.
Kasabay nito, sinabi din ni de Leon na handa na ang kanilang puwersa upang bantayan ang mga lugar na sinasabing "areas of concern" dito sa Metro Manila.
Tinatayang 15,000 pulis ang isasama sa 3,000 tauhan ng Armed Forces of the Philip-pines (AFP) upang matiyak na magiging maayos ang gaganaping eleksiyon sa kamaynilaan.
Nilinaw ni de Leon na kailangan pa ring maging handa ang publiko at ang mga kapulisan dahil nananatili ang banta ng Aklas Bayan upang guluhin ang national election. (Ulat ni Doris Franche)