Kinilala ni CPD Director Chief Supt. Napoleon Castro ang mga nadakip na sina Angelo Magar, 30, walang hanapbuhay ng #69 Makabayan, Brgy. Obrero, Quezon City; at Christopher Yatcho, 22, istambay, ng #60 Makabayan St., Brgy. Obrero, nasabi ring lugar. Nakuha kay Magar ang may pitong sachet ng pinaghihinalaang shabu at mga shabu paraphernalia.
Nakumpiska naman kay Yatcho ang isang sachet na hinihinalang shabu at P400 marked money na ginamit sa buy-bust.
Batay sa ulat, isinagawa ang operasyon base na rin sa reklamo ng mga residente hinggil sa iligal na pagbebenta umano ng droga ng dalawang suspect sa nasabing lugar. (Ulat ni Doris Francis)