^

Metro

2 arestado sa droga

-
Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng Central Police District ang dalawang lalaki makaraang mahulihan ng droga sa isinagawang buy-bust operation sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City kahapon.

Kinilala ni CPD Director Chief Supt. Napoleon Castro ang mga nadakip na sina Angelo Magar, 30, walang hanapbuhay ng #69 Makabayan, Brgy. Obrero, Quezon City; at Christopher Yatcho, 22, istambay, ng #60 Makabayan St., Brgy. Obrero, nasabi ring lugar. Nakuha kay Magar ang may pitong sachet ng pinaghihinalaang shabu at mga shabu paraphernalia.

Nakumpiska naman kay Yatcho ang isang sachet na hinihinalang shabu at P400 marked money na ginamit sa buy-bust.

Batay sa ulat, isinagawa ang operasyon base na rin sa reklamo ng mga residente hinggil sa iligal na pagbebenta umano ng droga ng dalawang suspect sa nasabing lugar. (Ulat ni Doris Francis)

ANGELO MAGAR

BATAY

BRGY

CENTRAL POLICE DISTRICT

CHRISTOPHER YATCHO

DIRECTOR CHIEF SUPT

DORIS FRANCIS

MAKABAYAN ST.

NAPOLEON CASTRO

OBRERO

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with