Campaign manager ng Malabon mayor binoga,patay
May 9, 2004 | 12:00am
Binaril at napatay ang city secretary at campaign manager ni Malabon City acting Mayor Mark Allan Jay Yambao, habang sugatan pa ang isang security aide matapos na pasukin at pagbabarilin ng limang di-kilalang kalalakihan habang natutulog sa loob mismo ng kanilang headquarters, kahapon ng umaga sa nasabing lungsod.
Dead-on-the-spot sanhi ng dalawang tama ng bala ng .45 kalibreng baril sa noo si Hernando Dabalus, 68, city secretary at campaign manager ni Yambao.
Kasalukuyan namang ginagamot sa Manila Central University Hospital sanhi ng isang tama ng bala ng baril sa pige si Conrado Meneses, 59, security aide ni Yambao at residente ng #14 C. Arellano St., Brgy. San Agustin ng nabanggit na lungsod.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-6:50 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng headquarters ng Lakas-Christian Muslim Democrat (Lakas-CMD) na matatagpuan sa kahabaan ng Rizal Ave., Int. Brgy. San Agustin, Malabon.
Kasalukuyang natutulog si Dabalus sa loob ng kanilang tanggapan nang biglang pumasok ang limang lalaking pawang armado ng baril na agad namang sinalubong ni Meneses at hinahanap ang nasawi.
Ayon pa sa ulat ng pulisya, bigla na lamang nagsibunot ng kani-kanilang armas ang mga suspect at ang isa sa mga ito ay pinaputukan ni Meneses habang ang apat naman ay pumasok sa kuwarto kung saan natutulog si Dabalus at pinaputukan ito ng dalawang beses sa noo.
Matapos ang insidente, mabilis na nagsitakas ang mga suspect habang naiwang naliligo sa sariling dugo ang mga biktima.
Bago ang naganap na pamamaril, naunang naiulat sa pulisya noong Mayo 6, dakong alas-11 ng gabi ay nagbantay ang mga tauhan ni Tito Oreta at Jeannie Sandoval (kapwa kalaban ni Yambao sa pagka-alkalde) sa harapan ng city hall dahil may balak umano si Dabalus na magpuslit ng mga ballot boxes upang gamitin sa pandaraya. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended