Sa isang pahinang circular na nilagdaan ni Supreme Court Administrator Presbitero Velasco Jr. dapat na pumasok sa kanilang mga trabaho ang mga huwes upang harapin ang kanilang mga kasong hinahawakan. Kasama sa mga inatasang pumasok ay ang lahat ng executive judges, mga judges at clerk of courts sa mga Regional Trial Courts (RTC), Metropolitan Trial Court (MTC) at Municipal at Circuit Courts sa buong bansa.
Inatasan din ni Velasco ang mga nasabing huwes na resolbahin ang mga election related cases na kanilang hawak at hahawakan. Habang ang mga clerk of courts naman ay inatasan din na pumasok upang mangolekta ng mga court fees at magsisilbi din ang ilang staff ng mga ito para sa kanilang skeletal forces. (Ulat ni Grace dela Cruz)