Big time swindler, arestado
May 8, 2004 | 12:00am
Nagwakas na ang pangongotong ng isang pekeng NPA commander na isa ring notoryus na big time swindler matapos na madakip ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation Group (PNP-CIDG) sa isinagawang operasyon sa Pasig City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni PNP-CIDG director Chief Supt. Arturo Lomibao, ang wanted na swindler na si John Roy Tenorio Aligado, alyas Kumander Wally.
Ayon kay Lomibao ang suspect ay nagpapanggap na kumander ng Bagong Hukbong Bayan ay nasakote ng kanyang mga tauhan sa tulong ng isang negosyanteng biniktima nito sa Discovery Suites, Ortigas Center ng nasabing lungsod bandang alas-11 ng gabi nitong Huwebes.
Nabatid na ang suspect ay may warrant of arrest sa kasong kidnapping na inisyu noong Nobyembre 20, 2003 sa 4th Judicial Region ng Calamba, Laguna kung saan ay walang inirekomendang piyansa laban dito.
Ayon sa nasabing negosyante noong Oktubre umano ng nakalipas na taon ay pinaniwala siya ng suspect na totoo ang mga ibinebenta nitong gold bars at Wells Fargo Treasury Certificates sa murang halaga kaya madali itong makapanloko ng potensiyal na mga biktima.
Nagbayad umano ng downpayment ang biktima kay Tenorio at nang bigla nitong itaas ang presyo ay tumanggi na siyang ituloy pa ang transakyon kung saan bunga nito ay kinidnap siya ng suspect at dinala sa Laguna na doon siya hiningan ng P600,000 kapalit ng kanyang kalayaan.
Nagpapakita pa ito ng extortion letter galing sa mga opisyal ng kinaaniban umano niyang kilusan. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended