^

Metro

Henchman ni Janjalani,nakorner ng PNP

-
Tuluyang nakorner ng mga tauhan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang itinuturing na henchman/videoman ni Abu Sayyaf Chieftain Khadaffy Janjalani sa isinagawang raid sa isang pagamutan sa lungsod ng Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni PNP-CIDG director Chief Supt. Arturo Lumibao ang suspect na si Walter Ancheta Villanueva, gumagamit ng mga alyas na Abdulwali, Wally at Winston, isang Balik-Islam, 30 ng Barangay Malasin, Macunacun, Isabela.

Sinabi ni Lomibao na ang pagkadakip kay Villanueva ay alinsunod sa ipinalabas na arrest warrant ni Judge Agnes Reyes-Carpio ng Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 261.

Nabatid na bandang alas-4:30 ng madaling-araw nang lusubin ng PNP-CIDG kasama ang aktor na si Robin Padilla ang Room 619 ng Manila Medical Center na matatagpuan sa United Nations Avenue sa lungsod ng Maynila upang isilbi ang warrant of arrest laban kay Villanueva.

Wala namang naging problema sa pagdakip kay Villanueva matapos itong sumuko ng ipakita sa kanya ng mga awtoridad ang arrest warrant.

Ayon kay Lomibao, nahaharap ang suspect sa limang kaso o 52 counts ng kidnap-for-ransom at serious illegal detention kaugnay ng pagdukot sa 52 guro at estudyante sa Tumahubong, Basilan noong Marso 20, 2000 kung saan ay walang inirekomendang piyansa para sa pansamantala nitong kalayaan.

Kasalukuyan nang sumasailalim ang suspect sa masusing tactical interrogation sa PNP-CIDG sa Camp Crame. (Ulat ni Joy Cantos)

ABU SAYYAF CHIEFTAIN KHADAFFY JANJALANI

ARTURO LUMIBAO

BARANGAY MALASIN

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

JOY CANTOS

JUDGE AGNES REYES-CARPIO

LOMIBAO

VILLANUEVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with