^

Metro

Editor ng Malaya patay sa aksidente

-
Nagkalasug-lasog ang katawan at nabasag ang bungo ng foreign news editor ng pahayagang Malaya makaraang masagasaan ng rumaragasang bus, kamakalawa ng gabi sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Namatay noon din ang biktimang si Carmelina Monroy, 58, ng Block 49, Lot 28, Lagro Subdivision, ng nabanggit na lungsod, Samantalang sumuko naman si Clifford Van Pascual, 24, ng Powerhills Subdivision, Taytay Rizal at driver ng Astro Liner Bus.

Base sa ulat ni SPO1 Rey Patiag ng CPD-Traffic Sector 5 na naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng gabi sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Fairview, Quezon City.

Papatawid ang biktima patungo sa sakayan ng papuntang Fairview Mall ng bigla itong mahagip ni Pascual.

Ikinaturiwan naman ni Pascual na hindi niya napansin ang biktima dahil sa may kadiliman sa lugar kaya’t huli na nang mapreno niya ang sasakyan.

Tumilapon ang katawan ng biktima na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan. (Ulat ni Doris Franche)

ASTRO LINER BUS

CARMELINA MONROY

CLIFFORD VAN PASCUAL

COMMONWEALTH AVENUE

DORIS FRANCHE

FAIRVIEW MALL

LAGRO SUBDIVISION

POWERHILLS SUBDIVISION

QUEZON CITY

REY PATIAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with