Istratehiya ni SB sinunod ni GMA
May 6, 2004 | 12:00am
Utang ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kay re-electionist Quezon City Mayor Feliciano "Sonny" Belmonte ang kanyang pangunguna sa presidential poll survey dahil sinunod niya ang payo nitong istratehiya sa kampanya.
Inihayag ito ng Pangulo sa ginanap kahapong rally sa siyudad ng Quezon na dinaluhan ng mga barangay chairmen at mga lokal na opisyal.
Ayon sa Pangulo, ang payo sa kanya ni Mayor Belmonte ay dumalo palagi sa mga caucus at rally na siya ngang istilo ng pangangampanyang ginamit niya noong 1995. Noon anya ay kandidatong walang kalaban si Belmonte para sa Kongreso.
"Magtataka pa kaya kayo, kung paano ako naging number 1 from number 4 sa survey? Dahil iyan sa ideya na ibinigay sa akin ni Sonny na ginamit kong muli ngayon. Sumasama ako sa inyong mga caucus at rally, at kahit hindi ako imbitado ay hindi ako nahihiyang pumunta," anang Pangulo.
Sinabi ng Pangulo na natutuwa siya dahil sa ilalim ng liderato ni Mayor Belmonte, ang lungsod ng Quezon ay wala nang kailangan sa gobyerno nasyonal.
"Ang laki-laki ng inyong koleksyon, ang ganda-ganda ng mga patakaran," anang Pangulo.
Sinabi pa ng Pangulo na hindi siya nagtatakang napili si Belmonte na outstanding city mayor dahil sa mahusay niyang pamumuno ng nasasakupan niyang lungsod. (Ulat ni Lilia A. Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended