Black proganda ng oposisyon,tinuligsa ni "SB"
May 4, 2004 | 12:00am
Inihayag kahapon ni Quezon City Mayor Feliciano "SB" Belmonte Jr. na isang black propaganda lamang o demolition job ng kampo ni dating QC Mayor Mel Mathay Jr., ang mga kumakalat na balita na idedemolis niya ang illegal structures sa lungsod matapos ang May 10 elections.
Sinabi pa ni "SB" na gusto lamang samantalahin ng kampo ni Mathay ang takot ng mga mahihirap para magamit ang mga ito sa buktot na hangarin para sa nalalapit na halalan.
Sa katotohanan anya 10,000 pamilya ang ipinademolis ni Mathay noong ito ay alkalde pa sa lungsod.
Binatikos din ni Belmonte ang takdang pagpapalabas ng kampo ni Mathay ng komiks na naglalarawan sa kanya bilang Salot ng Bayan. Binigyang diin niya na pawang paninira lamang ang laman ng naturang babasahin.
Kasabay naman nito, nagpahayag kahapon ng pagsuporta sa kandidatura ni Mayor Belmonte ang 12 grupo ng mga empleyado sa City Hall dahil sa magandang nagampanan nito sa tatlong taong panunungkulan.
Nagsagawa rin ng rali ang may 15,000 miyembro ng Tricycle Operators and Drivers sa QC bilang suporta sa kandidatura ni "SB".
Binanggit pa ni Mayor Belmonte na siya ay nagpapasalamat sa suportang ibinigay sa kanya ng pamunuan ng Iglesia Ni Cristo.(Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended