Nakilala ang nasakoteng lider ng kidnap gang na si Felix Villaver, 45, na aktibong nag-ooperate sa Metro Manila at karatig lugar.
Nakilala naman ang mga nasakote nitong tauhan na sina Jerry Eagamano, 32 at Virgilio, na kapwa kamag-anak din ni Villaver.
Natunton ang mga suspect sa kanilang hideout sa 116 Libis St., Zone 5, Signal Village, Taguig dakong alas-7 ng umaga.
Hindi na nakalapag ang mga suspect matapos na mapalibutan ng arresting team ng PNP-CIDG ang lugar.
Base sa tala ng NAKTAF ang Villaver kidnap group ay sub-group ng Fajardo KFRG na pinamumunuan ng Jarado brothers na sina Harold at Rolando na kapwa may reward na tig-P1 milyon sa ulo.
Ang grupo ni Villaver ay siyang responsable sa pagdukot sa Fil-Chinese na si Mary Grace Ong noong Hunyo 18, 2001; sa plastic magnet na si Connie Yao Ong noong Oktubre 1, 2001; sa Japanese national na si Mark John Giga noong Setyembre 26, 2001. (Ulat ni Joy Cantos)