Para di matuloy ang eleksyon: Korte Suprema tinangkang pasabugin
May 4, 2004 | 12:00am
Upang hindi umano matuloy ang eleksyon sa Mayo 10, nabunyag ang matinding banta ng terorismo sa paligid ng lugar ng Korte Suprema kahapon.
Ayon umano sa nakalap na intelligence report may planong karahasan ang mga terorista at ang tinatarget ay ang Korte Suprema para umano pigilan ang nalalapit na halalan sa Mayo 10.
Ito umano ay isasagawa upang maisakatuparan ang Oplan No-El dahil tiyak na umano ang pagkapanalo ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, lalut napaulat na ito ang iiendorso ng Iglesia Ni Cristo.
Bunga ng nasabing ulat ay ipinakalat na sa paligid ng tatlong sangay ng pamahalaan ang mga miyembro ng Phil. Marines upang mag-monitor laban sa anumang tangkang paghahasik ng kaguluhan.
Nakasaad sa intelligence report na partikular na pinupuntirya ang SC, DOJ at CA.
Ang naturang plano ay ipinupursigi umano ng ilang mga talunang kandidato na kumukuha na ng alyansa sa grupo ng mga terorista.
Magugunita na kamakailan lamang ay nadakip ang dalawang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group na nagtanim ng bomba sa paligid ng Commission on Elections (Comelec) para guluhin ang nalalapit na halalan. (Ulat ni Grace Dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended