Halos hindi na makilala ang bangkay ng biktimang si Lorenzo Galvez, ng G-513 Capricorn St. San Roque ng matagpuan ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP). Hindi umano nakalabas ang biktima kung kayat nilamon na rin ito ng apoy.
Ang walong biktima ay kasalukuyang ginagamot sa East Avenue Medical Center (EAMC).
Batay sa isinumiteng report ni Sr. Insp. Manuel Tadeo, hepe ng Arson Division ng QC-BFP, dakong alas 9:45 ng gabi ng magsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay ni Lina Roseno.
Nabatid na nagtirik ng kandila si Roseno at umalis sandali upang bumili ng gas. Hindi nito namalayan na nahulog ang itinirik na kandila.
Dahil sa dikit-dikit ang bahay at kable ng kuryente,mabilis na kumalat ang apoy na tumagal ng pitong oras bago naapula ng mga pamatay-sunog dakong alas -5:10 ng madaling-araw.
Inutos naman ni QC Mayor Feliciano Belmonte sa DSWD ang paglalaan ng pansamantalang matitirahan ng mga naapektuhan ng sunog. (Ulat ni Doris Franche)