Bahay ng MILF chief sa Taguig sinalakay
May 3, 2004 | 12:00am
Sinalakay ng pitong truck ng Philippine Marines at tauhan ng Western Police District kahapon ng umaga ang bahay ng isang pinaniniwalaang hepe ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at kandidatong konsehal ng Taguig bunga na rin ng posibleng paghahasik nito ng karahasan sa darating na Mayo 10 sa nasabing bayan.
Kasalukuyang pinaghahanap ng pulisya ang suspect na si Ben Saudi, naninirahan sa Barangay Maharlika Village, Taguig.
Dakong alas-6 ng umaga nang pasukin ng pinagsanib na puwersa ng mga awtoridad ang bahay ni Saudi makaraang matagpuan ang isang Tamaraw FX na naglalaman umanoy ng pinaniniwalaang improvised bomb at mga election paraphernalias tulad ng sample ballot na pag-aari nito sa Plaza Roma, malapit sa tanggapan ng Commission on Election sa Intramuros, Maynila.
May teorya ang pulisya na posibleng maghasik ng karahasan sa halalan si Saudi dahil ito ay nagsanay umano sa ibang bansa ng may kinalaman sa paggawa ng bomba at gawain ng mga terorista tulad ng Jemaah Islamiyah. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended