Kawani ng MMDA,nakuryente,nahulog kritikal
May 2, 2004 | 12:00am
Isang empleyado ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang nasa kritikal na kondisyon makaraang makuryente at mahulog sa may 20 talampakan ang taas kamakalawa ng gabi sa Makati City.
Kasalukuyang ginagamot sa Makati Medical Center ang biktima na si Benjie Relox, residente ng Phase II, Block II Lot 5 Camacho, Barangka Marikina City.
Lumilitaw sa imbestigasyon na naganap ang insidente dakong alas-11:30 ng gabi sa EDSA overpass sa Brgy. Guadalupe Nuevo, Makati City.
Nabatid na nakasakay sa basket boom ang biktima na nakasabit sa isang heavy equipment ng MMDA habang pinuputol nito ang mga bakal sa bubungan ng overpass.
Aksidenteng napadikit ang biktima sa isang electric wire kung kayat nakuryente ito hanggang sa mahulog ito sa basket boom ng MMDA.
Agad namang isinugod ang biktima at kasalukuyan itong inoobserbahan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended